Nagising ako nang huminto ang sasakyan namin sa Batangas kung saan ang hideout ng Mommy ni Aldrin. Kung hindi ako nagkakamali ito ang resort nila. Nilagyan ng tali ang kamay ko binusalan ang bibig ko. Nang sa gano'n ay hindi ako makasigaw. "Boss, ito na ba iyon?" tanong ng lalaking tauhan niya. Tatlo ang tauhan niya kasama ang driver niya. "Ito na nga iyon." "Boss, paano tayo makakapasok sa loob? Hindi n'yo ba sinabi sa care taker n'yo na pupunta tayo?" "Bobo! Bakit ko naman sasabihin sa kanya na pupunta ako rito na kasama kayo? gusto mong mahuli tayo ng mga pulis? Utak paganahin mo. Pinaalis ko ang caretaker ko kaya walang tao diyan lara walang makaalam sa gagawain natin. " Napakamot sa ulo ang tauhan niya. "Pasensiya na Boss." "Lumabas na kayo!" Sapilitan nila akong nilabas sa