"NO, Aria naman makinig ka sa'kin please?" si James na hinawakan ang kamay ng dalaga saka hinila payakap sa kanya. "don't leave me," ramdam ng binata ang tila patalim na gumuguhit sa lalamunan niya nang mga sandaling iyon gawa ng pagpipigil niya sa sariling emosyon. Hindi sumagot doon ang dalaga at sa halip ay sinimulan nang i-empake ang mga gamit nitong nasa loob ng cabinet habang patuloy parin sa tahimik na pag-iyak. "Please, kausapin mo naman ako. Hindi naman makakatulong sa'tin ang pananahimik at pag-iyak mo lang ng ganyan," muli ay pakiusap ng binata pero para parin itong walang naririnig na nagpatuloy lang sa ginagawa. Nang lumabas ito ay sinundan parin niya. "Ano ba Aria, hindi ko naisip minsan man na ganiyan ka pala katigas!" ayaw man niyang sabihin pero sa tingin niya iyon lang

