At dahil nga misis ang pagpapakilala kay Aria ni James. Hindi na kinailangan pa ng dalaga na mamuhay sa naunang set up na napag-usapan nila ng binata. Ngayon ay normal na parang totoong may- bahay nga ang trato sa kanya ni James. At masasabi niyang sa kabila ng katotohanang nalalaman niya, may mga pagkakataong nakakalimutan niya iyon. Kung minsan mas nararamdaman niya na totoo sa kalooban ni James ang lahat ng affection at concern na ipinapakita nito sa kanya. Matapos ang pagbisita nilang iyon sa ama ni James ay nagsimula naring pumasok muli sa trabaho ang binata. Ang totoo hindi pa naman talaga nito gustong gawin iyon. Siya lang ang nagpumilit gawa ng maramung trabaho nang naiwan sa opisina ang binata. Sa gabi umuuwi sa kanya si James sa San Benjamin. Hindi niya alam kung bakit pero

