"ANO?" si Aria na napatayo sa kinauupuan nang makatanggap ito ng tawag mula sa nanay niya kinagabihan. Concerned na nilingon siya ni James na nang mga sandaling iyon ay abala sa harapan ng manibela. Kagagaling lang nila sa opisina. Kakain lang muna sila at pagkatapos ay uuwi na ng San Benjamin. "Sige po, kayo na ang bahala. Kung hindi pa siya titigil ireklamo na ninyo sa pulis o kahiy sa barangay para matakot. Pero pakisabi kay Anya na mag-iingat siya," aniya sa nag-aalalang tono. "What is it?" si James matapos niyang makipag-usap kay Cita sa kabilang linya. "Inabangan raw ni Norman kanina si Anya sa school. Hindi naman daw nagsungit pero kasi nga takot na sa kanya si Anya hindi siya pumayag na makipag-usap dito," aniya sa worried na tono. Tumango-tango si James saka pagkatapos niling

