NAGING abala si Aria sa mga sumunod na araw. Kagaya ng sinabi ni James, personal silang naging hands on sa pag-aasikaso ng kasal nila na gaganapin in three months time. Sa kabila iyon ng pagiging busy ng binata sa opisina at negosyo. At katulad rin ng gustong mangyari ni James. Mas marami sa mga idea niya ang nasunod. At talagang nalilibang at nag-e-enjoy siya ng husto dahil doon. Isang maganda pero simpleng white Irish crochet wedding dress na may mahahabang manggas at belo ang pinili ni James para sa kanya. Para parting iyon hinayaan niya ang lalaki gawa ng sa tingin niya ay mas alam nito kung ano ang mas babagay para sa kanya. "Kailangan ba talaga ang ganito sa inyong mayayaman?" amuse niyang tanong kay James isang umaga habang nag-aagahan sila. Ang tinutukoy niya ay ang article sa d

