"REALLY?" pinigil ni Aria ang sariling emosyon sa sinabing iyon ng binata. Nagkibit ng balikat nito si James saka muling nagsalita. "Hindi ko kasi magawang ipaliwanag kung bakit ganoon nalang ang tindi ng panghihinayang ko nung lumabas ako ng banyo tapos wala kana?" Nang hindi magsalita si Aria ay nagpatuloy si James. "Tapos ni hindi ko manlang nakuha ang pangalan mo" anitong tumawa pa ng mahina saka bahagyang kinurot ang tungki ng kanyang ilong. "but anyway, kahit ano pa iyon. Sigurado ako na hindi iyon katulad ng naramdaman ko na sa lahat ng babaeng nagdaan sa buhay ko. At iyon ang dahilan kung bakit nandito ka ngayon, sa tabi ko." Nakangiting inihilig lang ni Aria ang ulo sa balikat ng asawa. Ang totoo kasi hindi naman kailangan ng maraming paliwanag mula rito. Dahil hindi ito magsal
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


