Si JL mismo ang nagbukas ng pinto ng private room ng hospital na kinaroroonan ni Ashlene, na kahit nanginginig ang mga kamay niya ay kinaya niya. Panahon na nga siguro para itama niya ang lahat at humingi na siya ng tawad kay Ashlene at Jonathan. Dahan-dahan na lumangitngit ang pinto. Sumilip muna siya at nakita niyang nakatingin pala sa pinto sina Aling Marcelina, Darren, Jonathan, at si Ashlene. Halatang hinihintay talaga nila ang pagpasok niya. Namilog bahagya ang mga mata niya nang makita niya ang hitsura ngayon ni Ashlene. Tulad niya noon ay nababalutan din ng benda ang buong mukha ngayon ni Ashlene. Maluha-luha siyang pumasok at hiyang-hiya siya. Pakiramdam niya ngayon ay wala na siyang mukhang ihaharap sa mga tao roon, lalo na kay Ashlene. Pero nang itaas ni Ashlene ang isang kam

