Pagdating ni Marjorie sa dining area ay hindi niya malaman ang gagawin. Aligaga siya na pabalik-balik ng lakad habang kagat-kagat niya ang pang-ibabang labi. Ano itong kanyang nagawa? Kasalanan ba niya ang lahat dahil pinagtagpo niya ang dalawang tao na hindi dapat magtagpo? Gusto na niyang magsisisi kung bakit pinapunta niya ang kanyang Ate JL sa bahay ng kanyang mga amo. Sana hindi na lang pala. Nakailang buntong-hininga siya. Sinabi sa sarili na kahit magsisi siya nang magsisi ay wala na siyang magagawa. Ang magagawa na lamang niya ngayon ay itama ang mali na ginagawa ng kanyang kapatid. Masama naman talaga ang gustong mangyari ng Ate JL niya. Hindi talaga siya sang-ayon kaya dapat lang na pigilin niya. Ngayon pa nga lang ay ang laki na ng awa niya para kay Ate Ashlene niya. Diyos