"Kumain ka na. Nakapagluto na ako,” sabi sa kanya ng Ate JL niya nang naratnan niya sa kusina. Bigla ay parang nagbago ang ihip ng hangin. Ang maladelubyo nitong galit kahapon ay mistulang naging ambon na lamang ngayon. Umiiwas pa naman siya dahil akala niya ay oras na magsalubong ulit sila ng kapatid ay nakakatakot na bangayan na naman nila ang mangyayari. Hindi naman pala. “Pasensya ka na sa mga nasabi ko kahapon. Nakakainis ka kasi,” sabi pa ni JL. Ang amo na ng boses. Gayunman, hindi niya ito pansinin. She wasn’t born yesterday para hindi niya ma-sense na kaplastikan ang pagbabait-baitan nito. Dire-diretso siya sa fridge at kumuha ng malamig na tubig. Nawalan na siya ng gana kaya binabawi na niya ang balak niya sanang kumain. Nakapagdesisyon na talaga siyang hindi aalis sa bahay na

