ISANG MALAKAS NA sigaw ang nagpagulat kay Rosallia. Abala siya sa paglilinis ng pool nang marinig niya ang sigaw na iyon. Nang balingan niya kung saan iyon nanggagaling, sa hindi kalayuan, nakita niya si Manang Alice— papalapit ang matanda sa kaniya. "Bakit naman po kayo sumisigaw, Manang Alice?" tanong niya nang makalapit ito sa kaniya. "Diyos ko, kanina pa kita hinahanap. Hinanap kita sa ikatlong palapag, wala ka. Hinanap kita sa ikalawang palapag, wala ka. Hinanap kita kung saan, hindi kita nakita. Nandito ka lang pala sa swimming pool," hinihingal na saad ng matanda kapagkuwan ay umupo sa bench. "Bakit niyo po ba ako hinahanap?" nagtataka niyang tanong dito. "Pumunta ka sa labas at may naghahanap sa iyo roon. Magmadali ka dahil naiinip na panigurado ang mga iyon," saad nito. Napai