QUINN FREYA WESTWOOD PUMATAK ang aking luha ng mapagtanto ko ang katotohanan ukol sa aking pagkatao. Lahat ng alaala mula sa dati kong buhay ay rumagasa. Lahat ng naramdaman ko mula sa saya, lungkot, sakit, pag-ibig hanggang sa paghihinagpis ay bumalik sa aking buhay. At ngayon, mauulit na naman ang lahat. Alam kong pinangako na 'di na mauulit ang aming nakaraan. Na ngayon ay mag-iiba na ang lahat. Pinili kong mabuhay bilang isang normal na tao. Pinili ko ang buhay na malayo sa pagiging hunter pero ito rin pala ang kalalagyan ko. Ngayon nasa harap ko siya at alam ko ilang minuto na lang mula ngayon ay itatarak ko na ang espada sa kaniyang puso katulad ng nangyari sa nakaraan. "Bakit mo piniling makita ako ulit?" tanong ko sa kaniya. Alam ko na somehow makakalaya siya sa locket kung s