Sunshine MARAHAN ko nilapag ang isang baso ng tsaa na siyang kumuha sa atensyon ni Caden at mabilis akong tinapunan ng tingin. Pero sandali lang iyon at muli na namang tinuon sa laptop ang buong atensyon. Sumimangot ako at pabagsak na naupo sa couch kung saan rin siya nakaupo. Buong maghapon siyang nakatutok sa laptop niya kahit narito lang sa bahay. Hiniram ng biyenan ko si Mace at bukas pa uuwi kaya kaming dalawa lang ngayon ni Caden ang nasa bahay. “What’s wrong, babe?” Napatingin ako kay Caden. Tinatanong niya ako pero ang mga mata ay nasa laptop pa rin niya. Pinansin din niya sa wakas iyong tsaa na ginawa ko at marahan na humigop. I saw his face changed because of the tea’s bitterness. Matagal niya na iniinom iyon pero hindi pa rin nasasanay sa lasa. “Hmm, nothing…” tugon ko saka n