Sunshine “HEY Shine, are you okay?” Tanong na pumukaw sa aking malalim na pag-iisip. Agad ako tumingin kay Marco. Wala akong ideya kung gaano ba ako katagal nakatulala kanina. Nakakainis kasi si Caden at rebelasyon niyang na-co-confuse siya! Kanina ko pa iyon iniisip tapos dumagdag pa iyong biglang pagdesisyon ko na tulungan si Shaina na planuhin kasal nila. Like what I've told to Caden, I see no problem there and I'm trying to move on. Can't he see that? “Oo ayos lang ako.” Ngumiti ako kay Marco saka umabrisete sa kanya. Kasalukuyan kaming naglalakad pauwi sa bahay niya. Pumayag ako na matulog kasama siya sa isang lugar pero dapat magkaiba kami ng kwarto. Marco agreed and he said it's fine with him as long as we're in the same place. This man exceeded every expectation I have right no