Sunshine “HINDI pa ba kayo magpapakasal ni Caden?” tanong sa akin Daisy. Maang akong tumingin sa kanya at dahan-dahan na binitawan ang necktie na hawak ko. Nagkasundo kaming dalawa na magkita pagkatapos ng trabaho naming dalawa. Bumiyahe siya pa-Makati para kitain ako at makipag-bonding sa akin. Manonood kami dapat ng sine kaso nagbago agad ang isip ni Daisy kaya heto kami at namimili na lang pan-regalo kay Caden. Birthday ni Caden bukas at dahil tumapat ng weekend, nagkasundo kaming magkaroon ng maliit na party sa bahay imbitado ang mga empleyado sa Acceron at ilang katrabaho ko. “What’s wrong with my question? Teenager ba kayong dalawa? You’re living naman with him and approved by your parents. Teka… approved nga ba?” Nagkibit-balikat ako saka tinungo na ang kabilang side ng necktie