Matapos nang aksidenteng pagtatagpo nang landas nila ni Melissa ay tila lumuwag ang kanyang dibdib. Tila lumaya ang mga galit na matagal na kinimkim sa dibdib. Nang makarating sa bahay ng tiyahin upang sunduin ang anak ay nabigla siya sa nabungaran. Ang kanyang daddy na masayang nakikipaglaro sa anak niya. Mabilis siyang tinakbo ang kinaroroonan nito at niyakap nang mahigpit. "Daddy," masayang wika kasabay nang mainit na yakap para rito. Nang bigla siyang matigilan nang sa sulok nang mga mata ay nakita ang isang hindi inaasahang tao. "Jeremy," usal niya. Saka mabilis na kumalas sa daddy niya. Hindi niya ito napansin dahil masyado siyang naexcite nang makita ang ama. "Hi," tipid na bati nito nang tumingin siya. "Mommy. See daddy is here," masayang pagbibida ng anak. Ngumiti siya sa a
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


