Ako na yata yung pinaka masuwerteng babae sa mundo. Lumipas yung dalawang linggo na walang ginawa si Clinton kundi ang ipadama sa akin ang kanyang pagmamahal. Araw ng linggo nasa mall kami ngayon. Hindi na yata siya nagsawa na palagi akong kasama. Sa dumaang araw pinipilit niya din akong kumbinsihin na lumipat na ‘raw sa kanyang condo. Pero hindi ako pumayag. "I won't stop until you will say yes. " Clinton drawled at uminom ng tubig. Nasa isang resto kami dito sa loob lamang ng mall. Dito ko kasi napili dahil may bibilhin pa ako na damit mamaya. Umismid ako.Nasa gilid ko lang siya at halos dikit na kami habang kumakain. Pinupunasan niya ang tapon na pagkain sa aking bibig. "Clinton." pagod kong sabi. "Hindi porke boyfriend kita aabusuhin ko na.Ayokong sabihan nila na ginagawa k