Halo halo ang aking nararamdaman pero nalalamangan ng galit. Hindi ako umuwi sa aking condo. Dito ako nanatili sa condo ni Jenn. Ayokong umuwi dahil sa posibilidad na baka puntahan ako ni Clinton doon. Kung sakali man. Umagang umaga ng pangalawang araw ko dito sa condo ni Jenn nang dalawin ako ng pagsusuka. Parang kinakalikot ang aking tyan kaya tumakbo ako patungong banyo at nagsuka bowl. "Kylie are you okay?" pag aalalang tanong ni Jenn at hinagod ang aking likod. Naluluha ako sa sobrang pagsusuka at tila nagkasugat ang aking lalamunan sa pagsuka na puro tubig naman ang lumabas. Hapong hapo ako nang humilig sa sink at naghilamos. "A-Ang sama ng pakiramdam ko Jenn." Huminga sya ng malalim at inabutan ako ng tubig.Kinuha ko iyon at ininom. "You're pale Kylie. Nangayat ka din. I t