Chapter 32 "Magpapasalamat lang sana ako sayo dahil sa tinulong mo sa nanay ko. Nagluto ako ng paborito mong ulam at balak ko iyon dalhin sa condo unit mo. Hindi ko akalain na naroon pala ang a-asawa at daddy mo. Hindi ko rin alam na doon pala nakatira si Sir Dalton." Kunot parin ang nuo ni Kiel habang kinukwento ko ng maayos sakanya ang totoong pakay ko sakanya kaninang umaga. Narito parin kami ngayon sa hospital dahil pinasuri ni Kiel ang balakang ko. Pinauuwi na nga ako ng doctor dahil wala naman daw nabali sa mga buto ko. Sa awa ng diyos nagkaroon lang ng pasa ang bandang balakang ko pero walang nabaling buto. Nagkaroon lang rin ako ng maliit na bukol sa nuo ko. Bukod sa mga iyon wala na akong ibang natamo mula sa pagkakahulog ko sa hagdanan kanina Pero ayaw naman akong pauwiin ag