The Deal
"Be my husband's mistress, seduced him and make sure to record everything, I'll pay one million pesos for this. Are you interested? Gusto mo bang maging kabit ng asawa ko?"
Napalunok ako ng sunod sunod habang pinakikingan ko ang magandang babaeng nakaupo sa aking harapan.
She's the famous Mrs.Carolina Monteverde! Hindi ako mahilig sa showbiz ngunit kilala ko kung sino ang babaeng ito dahil isang sikat na pamilya ang kinabibilangan nito
Naging asawa lang naman ito ng multi-billionaire at nag-iisang Mr.Kiel Monteverde! Ang pinapangarap ng halos karamihan. Mapababae man o binabae ay pinapangarap ang lalakeng iyon
Isa na siguro ako sa mga babaeng nabroken hearted noon nang mabalitaan kong ikinasal na ang pinakasikat na lalake sa buong Pilipinas na kinababaliwan ng mga kababaehan. Si Mrs.Carolina ang pinakaswerteng babae sa buong mundo. They got married!
That was a year ago. Pero ano itong inaalok ni Mrs.Carolina ngayon sakin? Maging kabit?
"W-What do you mean Mrs.Carolina? Nalilito ako--Bakit niyo po gustong magkaroon ng kabit ang asawa niyo?" Naguguluhang tanong ko nang makabawi ako sa pagkabigla
Napapakunot ang nuo ko dahil hindi ko siya maintindihan.
Napataas ang kilay niya sakin pagkatapos ay pinasadahan niya ng tingin ang kabuoan ko.
Medyo nahiya ako dahil sa suot suot kong sexy uniform. Halos nakalabas na ang aking dibdib sa white blouse na suot ko. Lantad rin ang mapuputi at bilugan kong mga hita dahil isang dangkal lang ang haba ng aking suot na palda.
Bahagya ko tuloy hinila pababa ang palda ko. Kahit babae rin naman ang nasa harap ko, naiilang parin ako. Baka makita niya ang panty ko, nakakahiya naman.
Bakit ba ganito ang uniform namin dito sa night bar na pinagtatrabahuhan ko? Waitress lang naman ako dito.
Mukhang kagalang-galang pa naman si Mrs.Carolina. She look's decent and elegant. Maganda ang babaeng ito. Siguro kaedad ko lang siya? Or mas matanda lang siguro siya sakin ng ilang taon?
Twenty three years old palang kasi ako.
"Nakikinig ka ba? You're wasting my time. Kung hindi lang ikaw ang nirekomenda ni Gigi sakin. Hindi ikaw ang aalokin ko nito"
Si Gigi ang manager ko dito sa night bar. Siya rin ang may-ari nitong bar na pinagtatrabahuhan ko tuwing gabi.
"Si Miss Gigi po?" Kunot nuo ulit na tanong ko
"Yeah. She's my cousin . Tinanong ko siya kung may kilala siyang maganda at nangangailangan ng pera. Ikaw ang isa sa mga nirekomenda niya. Ikaw ang pinakamaganda sa tingin ko kaya nandito ako ngayon. Well, kung sasayangin mo lang ang oras ko, might as well mauna na ako sayo. Sayang lang ang laway ko sayo."
Akmang tatayo na si Mrs.Carolina nang pigilan ko siya.
Bigla ko kasing naalala na gipit ako sa pera at malaking pera ang
"Sandali po! Nabibigla lang naman ako sa mga pinag-uutos niyo. Pwede po ipaliwanag niyo sakin ng maayos?"
Tinaasan niya ako ng kilay bago siya bumuntong hininga.
"Fine. Simple lang naman ang gagawin mo kung tatangapin mo ang offer ko" Bumalik ito sa pagkakaupo bago dumikwatro na parang donya sa harapan ko
"A-Ano po ba talaga ang gusto niyong ipagawa sakin? M-Maging kabit po ba talaga ng asawa niyo? S-Si Mr. Kiel po ba?"
Napairap siya sa akin. Parang nainis siya sa sinabi ko. Nagtanong lang naman ako eh? Malay ko ba kung may iba pa siyang asawa bukod kay Mr.Kiel?
"Ofcourse. Sino bang hindi nakakakilala samin ng asawa ko? Buong bansang Pilipinas kilala niyo kami."
Napapalunok ako.
So confirm? Si Mr.Kiel nga ang target?
"Gusto kong maging kabit ka ng asawa ko. You need to seduce him. Gawin mo ang lahat para mag-s3x kayo--"
"Ho???! M-Mag s3x po?" Napasinghap ako sa pagkabigla. Tama ba ang rinig ko?
Muli siyang napairap sa ere. Parang nauubusan ng pasensya sa akin.
"Yes! But you need to record everything. Bibigyan kita ng mga gagamitin mong hidden camera para irecord ang pag-ses3x niyo ng asawa ko. At kapag nagawa mo na ang ipinag-uutos ko sayo makukuha mo na ang isang milyong ibabayad ko sayo."
Napalunok ako at sunod sunod na napailing.
"A-Ayoko po ma'am. Pasenya na po. Gipit ako sa pera pero hindi ko kayang isanla ang katawang lupa ko. Birhen pa ho ako--"
"Tss. Fine i'll make it two million pesos! Okay na?" Balewalang pagputol nito sa pagsasalita ko.
"T-Two million po?"
"Yeah. And i'll pay you half tonight. Bibigay ko na agad sayo ang one million pesos ngayong gabi. Just make sure to do this real smooth!"
May kinuha siya sa kanyang mini pouch bag na panay diamonds ang paligid. Isang check book yung nilabas niya tapos nag-issue siya ng isang milyong piso under sa pangalan ko!
"Ayesha Martinez right?" Pagkumpirma pa ni Mrs.Carolina sa pangalan ko
Para akong tanga na napapatango lamang. Hindi ko alam kung bakit para akong nabubulag ng salapi.
Sadyang gipit na gipit lang talaga kami ngayon. Nagkataon pa na may ganitong opportunity kaya't hindi ko na alam kung tama pa ba ang gagawi ko o hindi
"Here's your first payment. Kapag nagawa mo na ang misyon mo babayaran kita ng buo"
Tumayo na si Mrs.Carolina bago iwanan ang isang cheke sa ibabaw ng lamesa sa harapan ko
Hindi ako makapagsalita.
Pumayag na ba ako?
"S-Salamat po" Ewan ko ba bakit iyon ang lumabas sa bibig ko habang nakatingin sa cheke
Naramdaman ko nalang rin ang pagtulo ng luha ko. Hindi na kasi ako mahihirapan ilabas ng kulungan si Tatay Ben.
May pera na ako!
Tinapik ako sa balikat ni Mrs.Carolina. Napatingala ako sakanya habang hawak ko na ang cheke na nagkakahalaga ng isang milyon
"No problem. A little reminder lang dear, Ayoko sa taong hindi tumutupad sa usapan. Okay? Be a good girl."
Tumango ako.
"G-Gagawin ko po ang lahat para magawa ang misyon ko. Aakitin ko po ang asawa niyo hangang sa mapapayag ko siyang mag anu kami. Pero paano ko po pala gagawin iyon?"
"Akong bahala kung paano kayo unang magkikita ng asawa ko. Be ready."
Napalunok akong muli dahil natakot ako sa pag ngiti ni Mrs.Carolina. Nakakakilabot iyon.
Kinabukasan nadeposit ko agad ang isang milyon sa banko ko. Pagkatapos ay pinyansahan ko agad si tatay Ben sa kulungan.
Tatlong buwan na kasing nakakulong si tatay Ben dahil sa patong patong nitong pagkakautang. Pansamantala lamang ang kalayaan ni Tatay Ben pero mas mabuti na iyon. Uunti-untiin ko rin bayaran ang mga utang niya sa abot ng aking makakaya.
"Tatay Ben!"
"Ben!"
Sabay namin niyakap ni Nanay Cora si Tatay Ben. Mahigpit at punong puno ng pangungulila.
"Anak! Cora!" Masayang salubong samin ni Tatay Ben at sinuklian ang higpit ng aming pagyakap kay Tatay
"Laya na ako! Laya na ako!"
"Asawa ko! Akala ko hindi kana makakalaya pa. Salamat sa diyos!" Napapahagulgol kaming tatlo habang magkakayakap. Si Nanay Cora ang asawa ni tatay Ben.
"Ang panyo mo Cora natatangal.."
Inayos ni Tatay ben ang bandana sa ulo ng Nanay Cora ko. Nawala kasi sa pagkakabuhol ng bandana sa sobrang higpit ng pagyakap ni tatay ben kay Nanay Cora.
Hmm. Kalbo na kasi si nanay Cora. Dahil kasalukuyan itong nakikipaglaban sa breast cancer. Simula ng magchemo theraphy si nanay, nagsimula na rin malagas ang mga buhok niya sa katawan
They were my adoptive parents. Ampon lamang ako ni Tatay Ben at Nanay Cora. Sila ang tinuturing kong mga magulang. Nabaon sa utang si Tatay Ben dahil sa ilang buwan na pakikipaglaban ni Nanay Cora sa malubhang sakit. Malaking pera kasi ang kailangan namin upang tuloy tuloy ang gamutan ni nanay.
Pareho kami ni Tatay Ben na gumagawa ng paraan upang matustusan lamang ang mga gamot ni Nanay.
"Paano niyo ako napiyansahan? Sino tumulong satin? Tinulungan ba tayo ni mayor?" Maluha luha pang tanong ni tatay Ben
Nagkatinginan kami ni Nanay Cora.
"H-Hindi na mahalaga kung saan ako nakakuha ng pera tay o sino ang tumulong sakin. Ang mahalaga ngayon nakalaya kana tay at mapapagamot na natin si Nanay Cora"
Unti unti nawala ang ngiti ni Tatay Ben
"Don't tell me may ginawa ka sa sarili mo na hindi namin magugustuhan ng nanay mo? Ibinenta mo ba sa demonyo ang kaluluwa mo anak??"
Umiling ako at ngumiti. Kahit nanginginig ako upang pagtakpan ang katotohanan
"Si tatay talaga oh? Ang drama! Nanghiram lang po ako ng pera tay--"
"Ipangako mo samin ng nanay Cora mo na hindi ka gagawa ng ikakapahamak mo para lang samin.." Seryosong sambit ng tatay ko
Nais kong mapahagulgol pero pinigilan ko. Niyakap ko nalang silang dalawa.
"Opo. Mahal na mahal ko po kayong dalawa higit pa sa sarili ko.."