Chapter 37 "Tay bumalik ho kayo nila tita Isabel sa probinsya. Delikado ho rito ang anak ko. Ako na pong bahala kay Kiel. Gusto niya po akong gawing katulong sa bahay niya para pagbayaran lahat ng kasalanan ko sakanya.." "Pero anak--" "Tay makinig ho kayo sakin. Please? trenta minuto lang ang meeting ni Kiel kaya baka bumalik na yun sa office room niya. Kailangan ko na po makabalik doon. Please tay makinig po kayo sakin." Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ko ang kamay ni tatay. Tumakas lang kasi ako sa secretary ni Kiel kanina. Pinabantayan niya ako sa secretary niya after namin mag-usap kanina dahil mayroon daw siyang importanteng meeting. Tumakbo lang ako patungo sa kinaroroonan ng tatay ko para sabihin kay tatay na lumayo na muna sila rito sa maynila "Paano ka anak?" "Ak