Chapter 24 "Thank you po Sir Steban!" Abot tenga ang ngiti ko nang-ibigay samin ni Sir Steban ang dalawang puting sobre. Hula ko malaking pera ang nilalaman niyon "Thank you Sir!" Masaya rin pasasalamat ni kuya kenneth kay Sir. Narito kami sa pribadong opisina ni Sir Steban. Nakauwi na ang ibang mga kasamahan namin sa trabaho at sarado na rin ang aming restaurant pero pinaiwan muna kami ni Sir Steban upang bigyan ng bonus "Huwag kayo sakin magpasalamat. Kay Sir Dalton kayo magpasalamat. Walang bawas yan ah? Tig sampung libo kayong bonus bukod pa sa magiging sweldo niyo" Lalo pa kaming napangiti ni kuya Kenneth dahil sa kagalantehan ni Sir Dalton. "Nakauwi na po si Sir Dalton, bukas magpapasalamat po ako sakanya" Nakauwi na kasi ang pamilya ni Sir Dalton pagkatapos nilang kumain. Una