AYAW mawala ang ngiti sa mga labi ni Gabriel nang makabalik siya sa sariling opisina. Hindi pa man um-oo si Carmina, ibang klaseng excitement na ang nararamdaman niya. Aaminin niya, wala naman talaga siyang balak takasan ang kasal nila ni Cassadee, ang babaeng pinili ng mamita niya na pakasalan niya. Bata pa lamang sila ng babae ay nakaplano na ang kanilang kasal. Tanggap na niya ang kapalaran niya kasama ito, ngunit hindi niya maitatanggi na kung sakaling mabibigyan siya ng pagkakataong pumili ng babaeng makakasama niya habang-buhay, hindi siya magdadalawang-isip na piliin si Carmina. Hindi lang dahil si Carmina ang ina ng magiging anak niya, pero dahil sa nararamdaman niya para sa babae. Sa loob ng isang buwan, ni minsan ay hindi ito nawaglit sa kaniyang isipan. Ilang beses din siyang