MATAAS pa ang sikat ng araw kaya hindi gaanong marami ang mga tao sa loob ng nightclub. Maliban sa iilang naglilinis at mga bartender at waitress na naghahanda ng mga drinks na idi-display at ihahanda para mamaya, tanging mga dancer na nag-iinsayo ang mga naroroon sa loob. Nakaupo si Betla sa isa sa mga lamesa habang umiinom ng alak at pinapapak ang isang plato ng mani. Paulit-ulit niyang sinisipat ang relong-pambisig. Mahigit kalahating oras na rin ang lumipas simula nang maghiwalay sila ni Carmina. Gusto niya sanang samahan ang dalaga ngunit tumanggi naman ito. Hindi na siya nagpumilit pa dahil tiwala naman siyang alam nito ang ginagawa. Kahit papaano naman ay matalino ang inaanak niya, madalas lang talaga nitong hindi gamitin ang utak kaya lumalabas na bopols. Pero pagdating sa paggawa