HALOS isang buwan na rin ang lumipas simula nang pumanaw ang nanay ni Carmina, ngunit parang kahapon lang ang sakit na nararamdaman niya sa kaniyang puso. Marami pa siyang pangarap para sa kanilang dalawa. Gusto niyang mabigyan ito ng maginhawang buhay, gusto niyang iahon ito sa putikan na kinasasadlakan. Buong buhay nito ay wala na itong ibang ginawa kundi ang kumayod. Nais niya sanang ipalasap dito ang ginhawa, ngunit hindi na niya iyon magagawa. Ang pangarap niyang dalhin ito sa mamahaling restaurant at hotel ay hindi na natupad. Naglaho na ang lahat ng iyon na parang bula. "Carmina, sigurado ka bang ayaw mong gamitin ang perang ibinigay ni Master Arellano?" tanong sa kaniya ng Ninang Betla niya nang makapasok ito sa maliit nilang silid. Nakaupo siya sa banig kung saan sila natutulo