Chapter Five

2621 Words

ILANG minuto na ang nakalilipas ngunit hindi pa rin magawang lumabas ng banyo ni Carmina. Mariin siyang nakatitig sa sariling repleksiyon sa harap ng salamin. Kasalukuyan kasi siyang nakatayo sa harap ng bathroom sink. Matagal niyang tinitigan ang mukhang tila kamatis na sa pamumula. Mula sa salamin, iginala niya ang tingin sa buong banyo. Halos kasing-laki na o baka mas malaki pa sa bahay nila ang loob nito. Mayroon pang walk-in shower at may malaking bathtub sa bandang dulo. Ibinalik niya ang tingin sa salamin at mariing umiling. "Ano ba, Carmina? Hindi ito ang oras para mamangha ka, gaga ka ng ina mo! Malapit mo nang isuko ang bataan mo, hoy!" matigas niyang saway sa sarili. Bakas na bakas ang matinding pag-aalala sa mukha niya. Malakas din ang kabog ng dibdib niya. Mula sa salamin ay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD