Kabanata 77 Kulang man sa tulog ay maganda pa rin ang gising ko. Pagod man ang katawan ay nag-uumapaw pa rin ako sa enerhiya, at iyon ay dahil sa puno ng pagmamahal ang pakiramdam ko. Ang gaan ng aking katawan at napakapositibo ng aking pananaw. I just had the best night last night. Kami na ni Alas. Hindi na ako nakapagpigil. Sinagot ko na siya kahit na gustong-gusto pa niya akong ligawan. Ayoko na rin kasing pahabain pa ang ligawan. I’ve seen his sincerity. Naramdaman ko na ang pagmamahal niya sa akin. Naipakita na niyang seryoso siya at sapat na ‘yon para ibigay ko sa kanya ang puso at tiwala ko. Nakangiti akong lumabas ng kwarto. Dumiretso na ako sa kusina para tumulong kay Nanay Linda sa paghahanda ng umagahan nila. Si Elizabeth na kasi ang nagpresenta na siyang mag-aalaga sa bata

