Kabanata 29 “S-Sir, ayos lang po talaga,” sabi ko kay Sir Alonzo habang pilit akong lumalayo sa kanya. “Kaya ko na ang sarili ko.” “After you were cornered by those three shíts?” matigas niyang tugon bago ako mas idinikit sa katawan niya. “No. You’ll stay with me.” “Uuwi na lang po ako,” mabilis kong sabi at doon na siya tumingin sa akin. Kita ko kung paano niya pasadahan ng tingin ang katawan ko. “No. Those three might still be lurking around,” giit niya. “Stay with me for a bit. I’ll send you home later,” dagdag niya, at wala na akong nagawa kundi ang magpahila sa kanya. Ilang sandali lang ay tanaw ko na ang grupo ni Sir Alonzo. Apat silang lalaki na nakaupo sa mesa at kita ko na agad ang dalawang babaeng kandong-kandong ni Alexander mula sa malayo. Si Damian naman ay kaswal na naki

