CHAPTER 41: Choose It took me half an hour before lifting myself up from the floor. Hindi ko alam kung saan ako tutungo. Nang makababa ay napansin kong bahagyang nakabukas ang shelf. I sighed. Subalit imbis na iyon ang tunguin ay lumiko ako sa kung nasaan ang kusina. Matinding katahimikan ang narito. Ang mga pader na alam kong nakasaksi ng lahat, ng anumang nangyari sa lugar na ito ay tahimik, tila takot na magsalita. Nilapitan ko ang isang malaking refrigerator. I'm hungry. Subalit wala naman akong makitang ibang makakain. All the goods was frozen. Malalaking yelo na ang bumabalot doon na hindi ko na makita kung anong klaseng pagkain iyon. My eyes lowered. May ilang bote ng alak ang naroon. Kinuha ko ang isang bote ng tubig. I took a deep breath as my hand wrapped around the cold bott