We sleep thinking about tomorrow. I don't have much to pack, ganoon din naman siya. Hindi ako mapakali. Gusto kong ayusin na ang mga dadalhin namin na para bang iyon ang makapagbibigay-gaan sa kalooban ko na aalis na nga kami. Halong kaba at takot ang nararamdaman ko para sa anumang mangyayari. I can't wait to leave this place with Christian. Puro positibo ang pilit kong iniisip. I was sure na maayos na kaming makakaalis dito. But there's a part of me, who knows this place too well, that keeps on bugging me. Ilang ulit kong ipinilig ang ulo ko upang alisin ang isiping iyon. Before sleeping, a certain face crossed my mind. Mahigpit akong yumakap kay Christian. He's already asleep pero ipinulupot pa rin ang braso sa akin. "I can kill him again. Over and over. Blood after blood. The next