Tumatakbo akong muli. Mabilis. Mabagal. Hihinto upang huminga at muli ay tatakbo nang mabilis sa abot ng makakaya. Nakapanghihina lang isipin na anumang pilit kong magpakalayo ay hindi ako tuluyang lumalayo. No, hindi hanggang sa hindi ako nakalalabas ng gusaling ito. Do I want to? Of course, so badly wanted. Pero hindi ngayon, hindi pa. I am too weak to even try. My body has been abused and I don't want to worsen the pain. Narating ko ang 10th floor nang halos wala ng buhay. Halos hindi ko maramdaman nang pihitin ang doorknob. Gamit ang natitirang lakas ay nagawa ko pa namang ibalanse ang sarili bago tuluyang bumagsak matapos bumukas ang pinto. Wala si Lizzy. Wala rin si Ruth. Tanging ako lamang ang siyang makapagliligtas sa sarili ko. I need to be strong. I need to hold on the little f