Nagising ako na mag-isa sa malamig na silid. Sanay na ako ng ganito. Gustong isipin ng utak ko na hindi totoo ang nangyari kagabi pero higit kong alam ang totoo. We've been like this for days now. Sa tuwing wala siya ay nasa study o kaya ay nasa itaas. O kung minsan ay bumababa. Hindi ko na lang tinatanong kung ano ang pinagkakaabalahan dahil wala naman akong karapatan sa bagay na iyon. And I think he's used doing that kahit noong wala pa ako rito. Lumabas ako ng kwarto habang inaayos ang pagkakabuhol ng tali ng roba. Sinarado ko ang pinto at napasinghap na makita siyang nakatayo sa sala. Agad kong sinuklay gamit ang mga daliri ang magulong buhok. His hands were on his waist as he stared down the food on the coffee table. Kung balak niyang tunawin iyon sa tingin imbis na kainin ay hindi k