He shook his head, his eyes forming into a slit. Walang ibang salita ay hinawakan niya ang braso ko at hinila palabas ng nakasusuklam na silid na iyon. At sana, palabas din sa nakasusuklam na lugar na ito. Ngunit binitawan niya ako sa harapan na naman ng elevator patungo sa palapag ng demonyong iyon. Hindi niya ako hinayaang magprotesta. Pinindot niya ang button sa gilid upang magbukas ang elevator. Itinulak niya ako papasok doon. Nang akmang lalabas ako ay matalim niya akong tiningnan at mariing umiling. "You are already pushing your luck to its limit, Miss Villanca." Pagkatapos noon ay tinalikuran niya ako at bumalik sa pinanggalingang silid. I was holding the button inside, refraining the door to close. Gusto kong bumalik doon. Habang wala si Lucifer ay gusto kong ipagtanggol ang mg