From his back pocket, he pulled out that familiar knife. Namilog ang mga mata ko. He threw it on the other sofa. I sighed. He continued on playing and exhaling on my hair until my cries finally subsided. Naroon pa rin ang paghikbi ngunit naging madalang. "Feeling better now?" he whispered. Pakiramdam ko ay lumobo ang puso ko. Kinagat ko ang aking labi. Subalit nanginig iyon nang magbadya na naman ang mga luha. Bakit ganito ako karupok sa mga simpleng salita at kilos niya? Ayoko ng ganitong pakiramdam! Kung magsasalita ay tiyak na manginginig ang boses ko kaya pinili kong tumango na lamang sa kanyang balikat. He freed the locks on my hair. Ang isang braso niya ay nakapulupot sa akin. Ilang sandaling katahimikan ay sinubukan na niya akong iharap sa kanya. Mabilisan kong pinunasan ang