Kinaumagahan, agad akong nag ayos ng sarili at umalis sa kwarto ko at nagpunta sa dalampasigan. Kailangan kong kumita ng pera. Simpleng damit lang ang suot ko ng oras na yon. Tshirt, short pants and scrub shoes. Sana ay may mahanap naman akong trabaho ngayong araw na ito. Binati pa ako ng receptionist pagkalabas ko at inakalang gagala lang ako. Kung pwede lang na ganon na lang ay ginawa ko na. Karamihan naman ng nandito ay bakasyon talaga ang dahilan. "Sir, gusto niyo po bang mag breakfast muna? Open na po sa reception area ang food service. Dala niyo po ba ang coupon niyo?" Alok sa akin ng babae at agad kong hinanap sa wallet ko ang kapiraso ng papel. Wala pa masyadong tao pero amoy na amoy na ang pagkain kaya naman agad na akong kumuha ng plato ko at kumuha ng pagkain na kaya ko la