Iniayos ko muna ang pagkaka - upo ni Genesis tsaka ko siya dahan dahan na inihiga sa kama. Samantalang kami ni Ace ay alalang alala sa kanya. Parang wala naman masakit sa kanya. Halata kong umaarte lang siya dahil gusto niyang makatakas pero hinding hindi mangyayari iyon. "Ace, pwede ka na umalis." Utos ko sa kapatid ko at sumunod naman siya ng hindi nagdadalawang isip dahil madali naman siyang makabasa ng itsura ng tao at matagal niya na rin nakasama si Genesis kaya kabisado niya na rin ang ugali niya. Dahan dahan kong iginalaw ang binti ko dahil nararamdaman ko na ang hapdi ng tahi ko at may konti na ring dugo sa gasa na nakatakip dito. "I'm sorry, baby. I never meant to cause you pain." Bulong ko kay Genesis pero naluha lang siya habang hawak ang tiyan niya. Kinumutan ko na lang s