Busangot ako habang pabalik sa dating office ni Daddy na office na ni Uncle Vince ngayon. May subo akong hotdog habang pilit ko itong kinakatasan sa aking bibig. Sa malas, puro mantika lang ang nasipsip ko kaya wala akong nagawa kundi kumagat dito at nguyain na lang ito sa aking bibig. Napasimangot ako nang mabasa ang pangalan ni Uncle Vince sa labas ng office ng Daddy ko. Dahil siya ang nagbayad ng lahat ng utang ng family ko. Sa kanya na lahat ito nakapangalan. Nakapagtataka lang talaga na ang bilis niyang napalago ito kahit halos kakabawi pa lang nito sa pagkalugi. Well, magtataka pa ba ako? He has so many connections kaya hindi na rin nakapagtataka. Kumagat muli ako nang malaki sa hawak kong hotdog at inis na binuksan ang pintuan. Wala pa rin akong taong nadatnan doon kaya mas l