"M-Mommy, I'm busy right now. Kayo na lang po muna ang bahala kay Charmel, tinawagan ko na po si Justin at sinabi kong samahan kayo kapag dinala na ninyo si Charmel sa ospital." "Ayaw pumayag ng asawa mo, Vincent! Naghihisterya siya at sinabing hindi niya ilalabas ang kambal ninyo kapag hindi ka nagpakita rito sa ospital." "B-But, Mom…hindi ko po pwedeng iwanan ang meeting dito. Patapos na po kami, susunod na lang po ako." Pagdadahilan ko para hindi lang ako makasama sa ospital. Nag-aalala ako dahil baka himatayin ako ulit. "Ganyan din ang dahilan mo noon. Ang sabihin mo gumagawa ka lang ng excuse para hindi mo masamahan ang asawa mo sa panganganak niya. Hanggang ngayon ba ninenerbyos ka pa rin? Hihimatayin kana naman ba kapag nakita mo ang anak mo?" "No, Mom. Nasa meeting po talaga ak

