Isang buwan na ang nakalipas nang manganak si Charmel. Gabi-gabi man akong puyat dahil sa pag-aasikaso sa kanila ng anak ko, masaya naman ako na alagaan sila at pagsilbihan. Lahat ng puyat ko ay sulit dahil alam kong masayang-masaya si Charmel na nakikitang hands on ako sa kanila ng anak namin. Ang balak kong isang buwan na makaiskor kaagad sa kanya ay hindi ko na muna ipinilit. Alam kong 'di biro ang dinanas niya habang nagli-labor kay Baby Hakan kaya isinantabi ko muna ang aking kalibugan. Pumayag ako na after two months ay makakaiskor na ako sa kanya. Ito ang naging usapan namin kagabi kahit na kating-kati na ako na matikman muli ang langit. I know masyado akong atat na makatikim pero sino ba naman ang hindi makakatiis sa kagandahan ng aking mahal? Parang mas lalo siyang naging kaakit

