Naging maganda ang pakikitungo sa akin ng family ni Uncle Vince at sobrang warm ang pag-welcome nila sa amin. Nawala ang kaba ko na baka hindi ako magustuhan ng Daddy ni Uncle Vince o ng iba pang kamag-anak nila. Gaya nga ng sabi niya mabait ang Daddy niya at tanggap nila kung anong relasyon meron kami. Sayang, hindi ko nakilala sa personal ang kapatid niya sa ama dahil nasa world tour ang dalawang ate niyang prinsesa. Nakita ko lang ang mga itsura nila sa mga dambuhalang painting na nakadikit sa napakalawak na receiving area ng kanilang palasyo. Magaganda ang dalawa niyang ate at hindi nalalayo ang itsura ni Uncle Vince sa mga ito. Nakakapanliit na madikit sa kanila, they have royal bloods. Samantalang ako ay isa lang ordinaryong babae na labis na kinababaliwan niya. Nakilala ko rin ka