KABANATA 5

2148 Words
KABANATA 5: ANG bilis ng t***k ng puso ko. Pigil din ang aking hininga dahil sa labis na kaba. Bumagsak ang mga mata ko sa mga daliri kong pinaglalaruan ni Emil. Sa kabila ng matinding kilig at saya. Hindi ko maiwasang maluha dahil sa emosyon lalo na nagpatuloy si Emil sa kanyang sinasabi. "I was miserable since we broke up. I may look like I'm strong and happy, but the truth is... it's the opposite. I'm weak and lonely. I was just trying my best to hide it. I'm in denial too, because I'm emotionally scarred. I want to protect myself from hurting. Alam ko kasi sa sarili ko kapag nagmahal na naman ako ng todo. I'm about to lose my mind again..." namamaos niyang sabi at wala sa sariling napangisi. Namayani ang katahimikan. Nanatili kami sa aming posisyon. Pinaglalaruan pa din ni Emil ang aking daliri. I took a deep breath and decided to talk. "I'm sorry..." namamaos kong sabi. Nakatitig ako sa kamay naming dalawa habang nangingilid ang mga luha. Tiningala niya ako at umiling. "I fully understand everything now. We learned to be mature because of what happened. Dahil sa'yo kaya ako nandito ngayon sa tuktok ng karera ko. You pushed me to work my ass off. To prove myself to anyone that I can be a better version of myself. And I am thankful for that. I thank you for hurting me and pushing me away. Tignan mo ang nangyari malayo ang narating ko. Hindi na ako mahihiya na baka wala akong mapakain sa'yo sa susunod na mga araw o di kaya hindi ko maibigay ang mga bagay na nakasanayan mo noon pa," aniya. Unti-unti akong bumaling sa kanya. Nangingilid pa rina ng mga luha. Nanginginig ang aking mga labi. Ang mga mata niya ay maingat at may pagmamahal. Pinatakan niya ng halik ang aking balikat habang titig na titig sa akin. "Emil... handa naman akong pumantay sa'yo. Kung ano ang kinakain mo kaya kong kainin at lunukin din 'yon. Yayakapin ko kung ano ang buhay na kaya mong ibigay para sa akin p-pero..." nauutal kong sabi sabay bagsak ng tingin sa magkahawak-kamay naming dalawa. "Pero kasi... pinanganak akong may malaking responsibilidad lalo na may negosyo ang pamilya namin. It wasn't easy to push you away. Totoo naman talagang nahiya ako na nagtrabaho ka sa Club. Inisip ko agad ang dignidad ko kapag nalaman ng lahat na ikaw ang pinili ko. Pero kalaunan natanggap ko din kung bakit mo iyon ginawa lalo na involve ang Mama mo. Alam ko ding ma-pride kang tao. As much as possible ayaw mo ng tulong. I was hurt when you chose that job rather than accepting my help because of your pride and ego. Naalala ko pa iyong sinabi ng Mama mo na umikot na ang mundo mo sa akin and I admit it's not healthy. Makasarili at takot ako na pakawalan ka kasi baka may ibang babae ang makita mo at makalimutan mo ako. I may look like a perfect woman but I have insecurities. Takot din akong iwanan mo para sa ibang b-babae..." Napasinghot ako at pinahid ang ilang takas ng luha. Titig na titig si Emil sa akin. "I'm happy that we're talking about it without shouting. Wala na akong maramdaman na sama ng loob o galit, mahal. I am too overwhelmed that you're with me again. Wala ng ibang mahalaga sa akin ngayon kundi ikaw. I will not gonna keep secrets to you from now on and you should too. Will you agree to that?" aniya. Hinawakan niya ang aking baba at marahang ibinaling ang aking mukha sa kanya. Unti-unti ko siyang tinignan sa mga mata. "Hmm?" masuyong tanong ni Emil. Marahan akong tumango at ngumiti. "Good..." aniya pagkatapos ay pinatakan ng halik ang aking labi. Napapikit ako doon at nakaramdam muli ng kiliti sa aking tagiliran. Pinatakan niya akong muli ng halik sa labi hanggang sa naulit iyon at nauwi na sa malalim na halik. Mariin ang hawak ni Emil sa aking beywang. Kakapusin na yata ako ng hininga pero walang balak si Emil na pakawalan ang aking labi. Kung hindi sa katok ng kasambahay ay hindi siya titigil. Lumayo ng kaunti si Emil sa akin at binasa ang ibabang labi. Ang mga kamay ay nanatili sa aking beywang. Tumikhim ako at napasulyap sa kay Emil na walang ibang ginawa kundi paulanan ako ng nagliliyab na tingin ng pagnanasa. "Senyorita, mahigpit pong pinag-uutos ni Senyor na huwag magtagal sa... uhh... guestroom ni Senyorito," alanganing sabi ng kasambahay. Nagkatinginan kami ni Emil. Natatawa na lang itong tumayo at marahan akong hinila palayo sa kama. "Lalabas na!" sagot ko at binalingan ko si Emil na nakangiti at hinihimas ang ibabang labi na tila may iniisip. "Matulog ka na. Sayang hindi mo makikita sila Max at Luna. Bukas na lang." I pouted. Nagliwanag ang mukha niya. "Andiyan pa ang mga anak natin?!" he asked, excitedly. Nag-init ang pisngi ko sa tawag niya sa mga aso. Ngayon ko na lang ulit narinig iyon. Marahan akong tumango. Magsasalita pa sana ako kaso tinawag ulit ako ng kasambahay. "Senyorita..." Emil chuckled. "Sige na..." Hinatid niya ako hanggang sa pinto. Napayuko ang kasambahay ng makita kami. Bilib din talaga ako. Hindi aalis kung hindi ako sasama. Akala ata nila iba ang gagawin namin. Sabi nga ni Lolo siya ang batas sa mansion pero once lumabas kami bahala na kaming dalawa ni Emil. Gusto lang niya marahil respetuhin pa din ang makalumang tradisyon kahit na sa mansion man lang sana niya. Hindi tulad noon matapos ng hiwalayan namin ni Emil. Nawalan ako ng gana sa mga dati kong ginagawa. Mga kinahihiligan. Ngayon, bigla akong sumigla. Iba talaga ang nagagawa kapag okay ang love life ano? "Kumain na ba kayo? Hmmm..." tanong ko kay Max at Luna. Sabay pa silang nagtahulan at panay ang kawag ng kanilang buntot. Humagikgik ako at tumakbo sa kama. Nagsunuran silang dalawa. Dinambahan ako ni Max kaya halos lumubog ako sa kama. Panay lang din ang halik ni Luna sa aking pisngi. Tawa ako ng tawa. Ramdam siguro nila iyong saya ko kaya masigla din sila. Minsan kapag binabati nila ako hindi ko na lang pinapansin. May pagkakataon pang galit ako at ayoko silang intindihin. Pero iba ang araw na ito. Nakuha kong makipagharutan sa dalawa bago ako nagpasyang maligo at magbihis ng pantulog. “Ayoko na! Kanina niyo pa ko pinapagod,” sabi ko dahil mukhang gusto na naman ako patakbuhin ni Luna at hahabulin ako. Tumahol lang si Luna. Si Max naman ay nakahiga na sa sahig at natutulog. Sinuklay ko ang mahabang buhok. Tinignan ko ang sarili sa harap ng salamin. Kahit wala si Emil sa aking tabi. Natural na namumula ang aking pisngi. Mas maaliwalas ang awra ko ngayon kumpara sa mga nakaraang buwan. I smiled. Kay bilis magbago dahil nariyan na si Emil. Hindi ko inakala na makakasama ko siyang kumain ng hapunan kasama sila Lolo. Ngayon naman sa Mansion na siya natutulog. Natigil ako sa pagsuklay ng maalala si Philip. I bit my lower lip. Para akong kinakain ng konsensya ko. Ang saya ko samantalang may ibang taong nasasaktan dahil sa akin. Bukod kay Philip nariyan din si Vernice. May tiwala ako kay Emil at alam kong tutuparin niya iyon. Medyo nahihiya pa akong sabihin kung kailan niya aaminin sa kay Vernice. Ayokong may ibang maisip si Emil tungkol sa akin. Ngayong araw pa lang kami opisyal na nagkabalikan. Pagbibigyan ko siya pero ayokong tumagal ito ng isang buwan. Hindi ko pa man din alam hanggang kailan si Vernice sa Italy. Bumalik ako sa reyalidad ng mag-ring ang aking phone. Napanguso ako ng masilip na si Emil iyon. Nasa iisang bahay lang kami at ka-aalis ko lang sa kwarto niya kanina pero ngayon tumatawag pa. Ibinaba ko ang hawak na suklay at sinagot ang tawag ng nobyo. "Why?" iyon ang bungad ko agad sa kanya. He chuckled. Pinasadahan ni Emil ang buhok nito habang nakasandal sa headboard ng kama. Naalala ko noon, mahilig kaming mag-video call at sa tuwing nag-uusap. Hilig niya sumandal sa dingding nila na wala pang palitada. Parang kailan lang... tapos ngayon sa magandang kama na siya nakahiga. "We used to have late-night talks before. Kahit hanggang ngayon gusto ko pa din basta ikaw ang kausap ko..." aniya at ngumisi na sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin. Ibabanat ko sana kung kay Vernice ay hindi ba talaga niya naranasan ang ganito pero dahil ayoko na magmukhang bitter at kababalikan lang namin. Pinili kong itikom ang bibig. "Katatapos mo lang maligo?" aniya dahil napansin niyang basa ang buhok ko at katatapos ko lang sa aking skincare routine. "Uh-huh..." sagot ko habang naglalakad na pabalik sa kama. "Too bad, I can't smell it right now. Okay na din, baka kapag naamoy ko lang. Baka tanghaliin tayo ng gising," makahulugan niyang sabi. Nanunukso na naman. Hindi ako nakasagot at nanliit ang mga mata sa kanya. Humagalpak ito ng tawa. Tumahol si Luna habang si Max ay nagising naman. Napatingin tuloy ako sa kanila. Hindi pa ko nagsasabi na umakyat sa kama ay tumalon na si Luna at nagulat akong sumiksik pa talaga sa akin para magpakita sa camera. Alam niya na kausap ko si Emil! "She knows to see her Dad. Her real Dad, you know," biro ni Emil sabay tawa. Napangisi ako habang pinapakita si Luna sa kanya. "Hi, baby! Dad misses you..." sabi ni Emil. Natawa ako ng tumahol ang aso na akala mo naiintindihan niya ang sinasabi ni Emil. Namilog ang mata ko. "See? He miss me! Luna, ayaw mo sa step dad mo ano? Tama, kasi ako ang tatay mo." Humalakhak si Emil sa kabilang linya. "You're crazy!" biro ko dahil parang tanga si Emil na kinakausap ang aso. Tinapat ko ang camera sa akin. "Kakausapin ko ulit sila bukas. Dapat ma-train ko 'yan. Kapag may ibang lalaking mukhang iba ang pakay sa Nanay. Alam na dapat nila ang gagawin..." Nakangisi nitong sabi na tila may masamang binabalak. "Ewan ko sa'yo..." Umiwas ako ng tingin pero nangingiti at namumula ang aking pisngi. "I couldn't sleep kaya ako tumawag..." pagkuwa'y seryosong sabi ni Emil. Napatingin ako kay Luna na nasa aking tabi na at dumapa. Matutulog na. "Dapat nga matulog na tayo kasi sabi mo maaga tayong luluwas bukas. Uhh... hindi ba nagalit ang manager mo? Alam ba nilang andito ka?" lakas-loob kong tanong. Tumango si Emil. "Yeah. Well, nagalit. Pero anong magagawa niya nandito na ko. She knows I'm after you. I'm planning to quit my job and start to manage my business. Okay lang kahit na magbabayad na lang ako sa kanila dahil hindi pa tapos ang kontrata. Okay na ko, nakaipon na ko ng malaki at enough na iyon para makapag-negosyo. Magsisimula ako ng panibago..." aniya habang titig na titig sa akin sa screen. Inangat ni Emil ang braso nito at inunan sa kanyang ulo. I took a deep breath. "Bakit parang bigla yata? O, matagal mo ng gusto na huminto sa pagmomodelo? How about your lineup projects? Hindi ba apektado?" "Kaunti lang iyong pinirmahan kong projects. Balak ko na lang gawin. Tatlo lang naman 'yon bago ako tuluyang tumigil. Naisip ko na ito noon pa. Mas naging buo lang ang pasya ko dahil ikakasal na tayong dalawa. I want to have kids with you as soon as we get married," pahayag ni Emil na siyang nagpa-init ng aking pisngi! Hindi pa kami ikinakasal. Anak na agad ang iniisip niya. Napanguso ako para itago ang ngiti sa labi. "You can do whatever you want even if we're married, Emil. Hindi naman na ako tulad noon na hindi papayag sa pagmomodelo mo," sagot ko. "Nah, this is what I want. To focus on you and to our future kids. And being in the modelling industry is not healthy for my family. Ayokong ma-involve sa mga co-models ko at baka wala akong matulugan pag-uwi," biro ni Emil habang nakangisi. Naningkit ang aking mga mata sa panunukso niya. "Trabaho naman 'yon, ba't ako magseselos. Pinapangunahan mo naman ako." Inirapan ko siya pero ang totoo hindi ko alam ang mararamdaman ko kung makikita ko siyang may mga shoot na intimate ng kasama niya. Lalo na kaming dalawa na. Pero noon, nagseselos ako kay Vernice lang. Sa mga nakasama niyang iba. Hindi naman. More on napahanga lang ako na talagang professional model na siya. "Is that so?" He raised his left brow on me. Hindi naniniwala sa sinabi ko. "Kung may ibang balak, Emil. Baka tumaas ang kilay ko," sabi ko sa kanya sabay irap. Tinawanan lang niya ako. "I'm turn on when you get jealous. Ang ganda mo kahit nakasimangot. Tangina, ngingiti pa ko kung may aawayin kang babae dahil tabi ng tabi sa'kin. I don't mind, it makes me feel like you are really in love with me... " aniya sabay tawa. "Mangarap ka. I'm not a war freak," I rolled my eyes. Tinawanan niya lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD