KABANATA 21: HINDI na ako mapakali at excited din na umuwi si Emil. Nasa sala ako ng marinig ang sasakyan na kadarating lang. Napatayo ako at nanakbo sa labas. Nakita ko ang pagpasok ng sports car sa garahe. "Dios ko, Senyorita! Huwag kang tumakbo at madapa ka!" sita sa akin ni Ate Lourdes pero hindi ko na pinansin. Nanakbo ako papunta sa sasakyan ni Emil. Nakatayo lang ako sa gilid ng pinto hanggang sa namatay na ang makina ng sasakyan. Umusog ako ng kaunti para bigyan siya ng space. Hindi ko alam pero nangingilid ang luha ko dahil sa emosyong kanina ko pa pinipigilan. The moment Emil stepped out of the car, I immediately throw myself to him. "Oh, jesus!" anas nito dahil nagulat ng salubungin at talunin ko siya para lang sa mahigpit na yakap. I feel so down a while ago pero ngayong n