KABANATA 3:
PARA akong nakalutang sa hangin. Hindi ko talaga inaasahan na pupuntahan niya ako sa lawa at syempre may mangyayari sa amin. Ang mas nakakagimbal pa ay ikakasal na talaga kaming dalawa?
Tsaka ko napatunayan na talaga ngang mahal niya ako. Na wala siyang ibang plano dahil handa na siyang pakasalan ako. Sinabi niya iyon sa harap ni Lolo. Tinanggap ko na din sa sarili na kami na at ayos lang ito kahit na kakahiwalay ko lang kay Philip. I-de-deny ko pa ba samantalang may nangyari na sa aming dalawa?
Pinagmamasdan ko si Emil habang may kausap sa cellphone nito. Nakatalikod sa akin habang nakapameywang. Seryoso nitong kausap ang Manager na bumalik din sa Pinas dahil sa kanya. Panaka-naka ang pagkunot ng kanyang noo na tila may hindi naiintindihan sa kausap nito. Nakaupo lang ako habang umiinom ng tsaa at paminsan-minsan a sumusulyap kay Emil.
Hindi pa din nawawala iyong pagka-overwhelmed ko sa nangyari. Nanlalamig pa din ang aking tiyan marahil ay sa kaba. Ngayon na lang kami nagka-usap ni Emil ng maayos. Para bang pakiramdam ko bumalik ako sa simula na nahihiya, kabado at conscious pa sa harap niya.
Napasulyap sa akin si Emil. Mula sa iritableng ekspresyon ay naging malambot iyon. Ngumiti siya ng tipid bago pinagtuunan ng pansin ang kausap sa kabilang linya at muli ay nagbago na naman sa pagka-iritable ang ekspresyon niya.
Nanatili ako sa kinauupuan habang inaantay siyang matapos makipag-usap. Hindi ko naman marinig dahil malayo naman siya sa akin. Bukod doon, kahit hindi siya umalis sa tabi ko ako naman ang lalayo para bigyan siya ng privacy.
Napangiti ako habang nakatitig sa tsaa. Kanina pinag-utos ni Lolo sa kasambahay na huwag ng paalisin si Emil at sumama na sa aming pamilya para sa hapunan. Speaking of pamilya...
Napatuwid ako ng upo ng maalala ang mga pinsan kong nagpunta sa track para mangabayo. Sinabi ko pa naman na pupunta ako tapos heto at kinalimutan ko sila. Isa pa, kasama ko si Emil. Hindi ko alam kung ipapakita ko ba siya sa kanila eh baka kasi kung ano lang gawin ng mga pinsan ko kapag nagkataon.
"What's running on your pretty little head, huh?"
Napatingala ako ng magsalita si Emil. Hindi ko na napansin na tapos na pala siyang makipag-usap. Ngumisi siya at umupo sa bakanteng upuan sa aking tabi. Hindi pa nakuntento ay nilapit niya pa ang sarili sa akin. Nag-init ang magkabila kong pisngi ng pinagitnaan ang hita ko ng mga binti ni Emil. Naiilang pa ako na simula pa kanina ay pinauulanan niya na ako ng malalagkit na tingin.
Mariin kong kinagat ang ibabang labi habang tahimik na inilagay ang tasa sa ibabaw ng lamesa. I heard him chuckled. Nilingon ko siya at ganoon na lang ang pagka-aliw ng kanyang mga mata. This is what I miss. Iyong moment na kahit wala kayong sinasabi at pinag-uusapan pa pero napapangiti ka na at napapakabog niya na ang dibdib mo.
"Nasa track ang mga pinsan ko. Mamaya babalik na sila dito," sabi ko habang sinisipat ang suot na relo.
"And so?" sabi ni Emil at tinagilid ang ulo habang pinagmamasdan ako.
Sinulyapan ko siya pero agad kong binalik ang tingin sa sariling tsaa. Naiilang ako sa malagkit na tingin niya. Pakiramdam ko kung nasa kwarto kami mauuwi na naman ito sa kung saan. Mabilis na nag-init ang aking pisngi. May araw pa pero kung ano-ano ng tumatakbo sa isip ko.
He chuckled again.
"Simula ng dumating tayo sa Mansion kanina. Madali ko ng mabasa ang nasa isip mo, Senyorita..." namamaos niyang sabi.
Napanguso ako dahil na rin sa tawag niya sa akin. Hindi ako makasagot. Para akong tumiklop bigla at hindi ko masabi sa kanya ng diretso lahat ng laman ng isip ko.
"I would face them, and you don't need to worry. I can handle this. Hindi na ito tulad noon, Senyorita. Kaya ko ng humarap sa kanila ng buong tapang dahil kayang-kaya na kitang buhayin." Umangat ang gilid ng labi nito na tila ba naalala ang nakaraan.
Noon kasi kaya naman niyang humarap sa kanila kaso alam niyang wala pa siyang napapatunayan. Hindi naman niya kayang pantayan ang buhay na mayroon ako.
Huminga ako ng malalim at tumango.
"My cousins are just overprotective of me. Hindi lang sila makapaniwala na tayo na at... uhh..." hindi ko maituloy ang sasabihin dahil nahihiya pa akong banggitin sa kanya ang salitang kasal. Sariwa pa kasi sa akin kaya naninibago pa ako, "...ikakasal pa," dugtong ko.
Marahang tumango si Emil tanda ng pagsang-ayon. Ang mapalad niyang kamay ay nanahan sa aking beywang. Habang ang isa ay pinaglalaruan na ang mga daliri ko. Nakatitig lang ako doon. Hindi ko siya matignan dahil sobrang lapit na niya sa akin. Ang kanyang mukha ay halos dumikit na rin sa akin. Ramdam ko maging ang init ng kanyang hininga sa aking kaliwang pisngi.
"Emil... baka makita tayo ng mga kasambahay..." nahihiya kong sabi. Hindi pa din maalis ang pamumula ng aking pisngi. Hindi ako sanay na ganito ka-intimate sa isang lalaki sa loob ng Mansion. Kung saan may mga kasambahay na makakakita. Maari ding si Lolo o mga pinsan ko. Nakakahiya na makita kami sa ganitong itsura.
"I don't fuckin' care. What do you want me to do? Lalayo ng ilang pulgada sa'yo? Ngayon na lang tayo nagka-ayos. Kaya didikit ako. 'Yon pa nga lang na hindi tayo. Sunod na ko ng sunod. Ngayon pa kayang tayo na ulit..." namamaos niyang sabi. Nagtayuan ang balahibo ko sa katawan dahil sa bulong niya. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba o ano pero nakakaramdam ako ng init ng katawan lalo na panay ang taas-baba ng palad nito sa aking beywang.
Mariin kong kinagat ang ibabang labi. Halos magdugo na yata iyon para lang maitago ang ngiti.
"We will leave for Manila early in the morning. My schedule is hectic for this week since I have so many properties I need to check, personally. We'll go to Palawan to inspect my resort," sabi niya at lumayo na sa akin para makausap ako ng mabuti.
Namilog ang mga mata ko. Parang ang bilis. May desisyon na agad? Kasama na ako hindi pa nga niya ako natatanong? Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano. Pero sa huli nakuha kong tawanan siya ng mahina dahil sa sinabi nito.
"Why are you so confident that I'd say yes? Ngayon mo lang sinabi sa akin ang tungkol diyan tapos tayong dalawa ang pupunta? Well, okay lang naman sa akin. Nakakatawa ka lang na may desisyon ka na agad. Pinagpaalam mo ko kay Lolo? Hindi naman ako pinapayagan non, eh." Ngumuso ako at umiwas ng tingin.
"Ako pa ba?" sabi niya sabay iling at nakangisi na tila nagyayabang sa akin. Sinimangutan ko siya. Medyo nawawala na iyong pagka-ilang ko habang tumatagal kaming nagsosolong dalawa.
"Syempre, sinabi ko. May magagawa ba si Senyor kung dadalhin kita kahit saan, eh handa naman kitang pakasalan." He smirked and winked at me.
Nanliit ang mga mata ko habang nanunulis ang nguso pero di ko maiwasang umangat ang gilid ng aking labi dahil sa kilig.
"You have the guts now, huh?" Humalukipkip ako habang nakatitig sa kanya at nangingiti.
He chuckled.
"Ako lang ang na shotgun marriage na masaya." Humalakhak siya kaya pati ako natawa dahil nahawa na.
"Geselle!"
Pareho kaming napalingon ni Emil sa direksyon ng mga pinsan kong bagong dating. Halatang galing sa track dahil sa outfit nila. Napatayo ako habang si Emil ay tila relax lang sa pagtayo nito. Napatuwid ako ng dumaosdos ang palad nito sa aking beywang. Sinundan nila Kuya Jack ng tingin iyon at walang reaksyon niya kaming tinignan.
Hindi na sumunod si Kuya Nolan. Dumiretso na sa loob habang si Kuya Charles ay napasipol habang sinisilip kami pero kalaunan ay sinundan si Kuya Nolan. Si Kuya Landon naman ay nakahalukipkip lang at nakatayo. Nakatingin sa amin. Si Kuya Jack ang parang susugod sa kaaway.
"K-kuya..." kabado kong sabi dahil hindi ko makitaan ng ngiti sa labi si Kuya Jack. Tila hindi natutuwa sa nangyayari. Sumulyap ako kay Kuya Landon na nakatingin lang sa amin. Nanghihingi ng saklolo pero nagkibit-balikat lang ito.
"Relax..." bulong ni Emil sa akin at ang kamay na kanina nasa beywang ko ay lumipat na sa aking palad. Pinagsalikop niya ang aming kamay at mahigit niyang hinawakan.
Kahit anong sabi ni Emil sa aking relax ay hindi ko yata magawa.
Huminto sa tapat namin si Kuya Jack at walang bakas ng ngiti sa labi.
"So, you're really marrying our Senyorita?" he said, smirking.
Pinisil ni Emil ang palad ko bago ito matapang na sinagot ang tanong ni Kuya Jack. Pareho lang sila ng tangkad pero lamang sa laki ng katawan si Emil.
"Yes."
"How about your woman? Our cousin is not suited to be a mistress," diretsyahang sabi ni Kuya Jack. Mariin kong kinagat ang labi. Ramdam ko ang tensyon sa paligid lalo na parehong nagtitigan ang dalawa at puno ng tapang ang mga mata.
"She is not a mistress. Hihiwalayan ko naman talaga si Vernice. Naunahan lang ako ni Senyor kaya kami napunta sa sitwasyon na 'to. However, with or without a gun. I'm gonna pursue and marry her as soon as possible," mariing sagot ni Emil.
Napasulyap ako kay Kuya Landon. Hiyang-hiya ako na nag-uusap kami ng ganito tapos si Kuya Landon naroon lang at nanunuod na akala mo nasa dramarama kami sa hapon.
Mas lumawak ang ngisi ni Kuya Jack at napa-iling. Tila ba hirap siyang paniwalaan ang mga sinabi ni Emil.
"Kuya—"
Hindi ko natapos ang sasabihin dahil sumabad siya.
"Geselle, we want to make sure you'll not gonna end up being hurt again because of him. You two should start with a clean slate! May sabit pa nga lalaki na 'yan. I'm gonna talk to Lolo and convinced him to stop this nonsense agreement. Tapusin mo muna ang issue mo sa babae mo bago mo lapitan ang pinsan ko," matapang na pahayag ni Kuya sabay baling kay Emil.
Kumalabog ang dibdib ko dahil nagsusukatan pa sila ng tingin. Mas lalong humigpit ang hawak sa akin ni Emil tanda na hindi niya ako bibitiwan kahit anong mangyari.
"Go ahead, Jack. Hindi kita pipigilan. Nag-usap na kami ng masinsinan ni Senyor. Kung ano ang desisyon niya tungkol sa kasal, rerespetuhin ko. Pero kung uutusan ako na huwag makita si Geselle. Hindi ko yata magagawa 'yan. I love your cousin. I love her for a very long—"
Pinutol ni Kuya Jack ang sasabihin ni Emil.
"Huwag na tayong maglokohan. Pareho lang tayong lalaki dito, Emil. We both know how to play with girls. Huwag mong isama sa listahan ang pinsan ko. Apat kaming babangga sa'yo," taas-noong sabi ni Kuya Jack at umigting pa ang panga.
"Kuya! Tama na nga! Kuya Landon!" sinulyapan ko si Kuya Landon na naroon pa din sa di kalayuan at nanunuod sa amin. I looked at him with pleading eyes. Humihingi ako ng saklolo.
Bumuntong-hininga ito bago naglakad patungo sa amin. Medyo nakahinga ako ng maluwag.
"Hindi ko na problema kung hindi ka naniniwala. I will stick beside her 24/7 kahit ayaw mo. I already told you my plans. Tutuparin ko 'yon. Ngayon kung di ka pa rin naniniwala, it's your problem. Not mine. Ang mahalaga sa'kin si Geselle. Nagkakaintindihan kaming dalawa. Hadlangan niyo man akong lahat. Pakakasalan ko pa rin siya. Hindi ako siya titigilan hanggat hindi ko nalalagay ang apelyido ko sa kanya."
"Emil..." nagmamaka-awa kong sabi sabay hatak sa matipuno nitong braso. Napatingin siya sa akin. Umiling ako. Mula sa matapang nitong ekspresyon at naging malambot iyon. Umiwas siya ng tingin at kumalma.
Natatakot ako na baka lalong magalit si Kuya Jack dahil sinasagot niya pa ito. Mabuti na lang humarang na si Kuya Landon bago pa makalapit si Kuya Jack kay Emil.
"What the f**k did you say?!" si Kuya Jack.
"Tama na! Kuya, kapag nalaman 'to ni Lolo. Pare-pareho tayong tatamaan sa kanya," sabi ni Kuya Landon sabay tingin sa akin. Sumenyas ito gamit ang mga mata. Pinapaalis na kami. Mabilis kong hinatak si Emil kahit na hirap ako dahil sa tigas ng katawan niya. Nakahinga ako ng maluwag ng maialis ko siya doon at tuluyan kaming nakapasok sa loob ng mansion kaso iyong dalawang pinsan ko naman ang nakatingin sa amin ngayon. Napapikit ako ng mariin at napasapo sa noo.