KRIS “Bahay n’yo?” hula ko nang nag-park si Bastien sa harap ng isang malaking berdeng gate malapit sa isang tubuhan na sobrang laki. Hindi ko man lang mahulaan kung ilang ektarya ‘yon. Malaki ang kongkretong bahay nila at halatang medyo may kalumaan na pero maganda at maayos ang pagkaka-maintain nito. Nakabukas ang mga LED lights kaya kitang-kita ang puting pintura ng lahat ng dingding at roof tiles na green na kulay ng bubong. Napalibutan din ng mataas na pader ang buong compound nila na sobrang laki. May katulong na naka-kaswal lang ang suot na jeans at T-shirt ang bumukas pagkapindot ni Bastien ng doorbell. Agad nitong itinulak ang malaking gate para makapasok ang sasakyan niya. May mga ka