KRIS Para akong may hangover nang magising kinabukasan ng umaga. Sapo ko ang aking ulo at medyo nahihilo pa ako. Napansin ko na lang na wala akong suot na kahit na ano. Nandilat ang mga mata ko nang maalala ang nangyari kagabi. “Shet!” bulalas ko. Napatingin ako sa katabi ko. Hindi ko makita si Talia kahit sinilip ko na sa ilalim ng kumot. Panaginip lang ba ang lahat? Para akong mabunutan ng tinik. Well, that’s what I thought until I saw her come out of my very own bathroom! “Talia?” Tigagal ako. Ngumiti siya sa akin na para bang ang sarap ng pakiramdam niya. Tuloy ay para akong nasisilawan na nakatingin sa kanya at iniharang ko ang aking braso sa mata. Nakatapis lang siya ng tuwalyang puti.