KRIS “Hi, Kris!” masayang bati sa ‘kin ni Talia na pumasok sa opisina ko. Na naman. Nagbungguan agad ang mga kilay ko. “Liza!” tawag ko sa sekretarya kong heartbroken hanggang ngayon at hindi pa naka-move on. Paminsan-minsan kasi ay nakikita ko siyang nakatunganga na lang na nakaupo sa may desk niya. “She’s not there, so I am here!” pagpaalam sa ‘kin ni Talia. Mukhang ang saya-saya niya. Now I wonder where Liza is. Baka nagbanyo lang iyon at nakakita ng oportunidad ang fiancée ko kuno. Ang galing niyang tumayming. O kaya naman ay kanina lang siyang nasa labas at pumasok nang wala na ang bantay ko. Simula noong Christmas party ay mahigpit na talaga si Liza at hindi na basta-bastang nakakapasok