BASTIEN Pumunta ako sa condo ni Kris pero wala siya. Nakita ko pa roon si Talia na dumating. Naka-shorts nang maikli at naka-hanging top. Parang gusto ko siyang pilipitin at ilibing sa garbage dumpsite. “Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ko sa kanya. “I want to see Kris,” aniya. I snorted a little. “He’s not here.” Tumaas ang kilay niya. “Ano? I just texted him and told him I am coming to give him his Christmas gift!” aniyang ikinumpas ang dalang paper bag na may laman ngang naka-gift wrap. Napatanong tuloy ako sa sarili kung nabuksan na ni Kris ang bigay ko sa kanyang regalo. It was a branded watch. Mahilig kasi siya sa watches. Parang nasa oras lang nakatigil ang mga mata niya kapag hindi sa tra