KRIS “I’m sorry. Para kasing katulad ko ang sitwasyon ni Bastien. May babae ring gustong magpakasal sa ‘kin kahit ayoko at hindi ko siya gusto,” paliwanag ko sa kanila na ikinamaang ni Sakahara. Sumimangot siya at tiningnan ako sa nalilitong mga mata. “Bakit ba kasi ayaw n’yong magpakasal? Babae na nga ang may gusto sa inyo!” himutok niya. Nagkatinginan ang mga magulang ni Bastien habang siya ay nakabusangot na nakatunghay sa babaeng katabi. “Marriage is not a business matter that you are going to invest someone in for your gain. Sakahara, you must realize that you can’t force someone to marry you just because you want that person or you have a one-sided love. Gaining sympathy from my parents i