KRIS “Sir Kris, nag-confirm na ang taga-maintenance department kung ilan ang siguradong pupunta sa Christmas party pero may number po tayo as buffer,” report ni Liza sa ‘kin pagkapasok niya sa office ko. Napatingin ako sa suot niyang brown slacks at puting blusa. Maayos din ang buhok niya. Nitong huling mga araw ay hindi na siya aligagang tingnan. Wala na rin akong narinig na mga ungol o kaya ay nagbubungguang mga baso sa kusina sa disoras ng gabi. Malamang ay natakot talaga sila na isesante ko. I smirked at her. “Fine. Patingin nga ng nagawa mong menu na gusto kong buffet sa party. Healthy dapat ang mga ‘yon kasi kung anu-ano na lang pinagkakain n’yo baka magkaka-cholesterol o magkaka-high bloo