"Kumain ka na, Tasha," tawag sa akin ni nanay. Muli kong sinilip ang celphone ko bago ako tumayo at sumunod sa kusina. "Ang mga bata, 'nay?" tanong ko ng makita kong wala sa hapag ang mga anak ko. "Nauna ko ng pinakain, nag-iiyak sila. Hinahanap ang daddy nila," sagot ni nanay habang nagsasandok ng ulam. Bumuntong hininga ako. Dalawang araw na kami dito sa Cagayan. Umuwi kami dito kinaumagahan mula ng manggaling kami sa bahay ni Adrian. Tatlong araw din na wala pang paramdam si Adrian. Akala ko ba ay kami ang pinipili niya? Nilunok ko ang bara sa aking lalamunan para pigilan ang nagbabadya kong luha. "Anak, huwag ka ng mag-isip. Kung mahal ka, susundan niya kayo ng mga bata dito," alo ni nanay. Tumango ako pero kabaliktaran ito sa aking naiisip. Pero kung paano kung hindi pa din