Nilabas niya ang celphone niya at inabot sa akin. Kinunotan ko siya ng noo. "Anong gagawin ko dito?" tanong ko sa kaniya. Tinuro niya sa akin ang wallpaper ng kaniyang celphone. Hindi ko ito naunawaan ng una pero para akong maiiyak ng makita ko kung ano ba ang nasa picture na ginawa pa talaga niyang wallpaper niya. "W-where did you find these?" tanong ko. "You supposed to give me that as birthday gift, right?" tanong niya. Natahimik ako at pinagmasdan ang bracelet macrame noon na pinagpuyatan ko para sa birthday niya. Hindi ko ito naiabot sa kaniya dahil nahiya ako ng makita ang regalo ni Monique para sa kaniya. That night, na-realize ko din na hindi talaga ako nababagay sa kaniya. Tahimik lamang ako. Naramdaman ko ang kamay niya na pinatong niya sa kabilang balikat ko. Inakbaya